Oh well... I remember Melanie M. saying this dahil pinagtatanggol nya si Joey M due to Kris Aquino scandal... nakakatawa di ba?
Ang sarap pag sigawan sa officemate ko na, "Please don't judge me, you don't know me". We're having lunch, then she asked, "ilang months anak mo nung iniwan mo sa Pinas?", I reply back "5", then ang sabi nya "sobra ka, ano ka bang klaseng ina?". Natulala ako. Tumulo luha ko, tapos inde ko natapos ang sweet and sour pork rice na super favorite ko. Kalungkot no? Inde naman nya ako kilala bakit nya ako huhusgahan? Sabihin na lang nila na mukha akong pera, wag lang iquestion anong klase akong nanay. Naalala ko tuloy yung movie ni Vilma Santos, pag ang ama nagtratrabaho, magaling syang tatay, pag ang ina nag abroad, at nagtrabaho, masama syang babae... (something like this). Hirap no. Alam ko maldita ako, pero yung tanungin ako sa pagiging ina ko, medyo nakakabaliw. Ngayon naiisip ko yung sweet and sour pork... nagugutom tuloy ako...






0 comments:
Post a Comment